That's entertainment, walkman, sperry top siders, jingle extra hot, gusto rootbeer, voltez five, betamax at marami pang iba. Mga 70's -80's kids, Naalala nyo pa ba to? (got this from another site and i just want to this)
1. You first saw Herbert Bautista in Kaluskos Musmos and you wondered why Dranreb could not pronounce the letter “R” - lalaki pa siya nuon.
2. Ang major car accessory was the musical backup horn.
3. Dig-man ang pinaka-sikat na halo-halo.
4. Buying Vick’s candy - triangular in shape, regular and kalamansi flavor. Ang mga candy/bubble gum na bilog na iba’t-ibang kulay ay lima singko - yuong puro pula na bubble gum ay yuong cherry balls.
5. Nakakabili ka ng Greenwich pizza na kalahati lang, sabay aliw na aliw ka sa vendo machines dispensing softdrinks in a cup (waxed paper) and not in cans. Kung tumagilid ang baso at natapon ang binubuhos na softdrinks eh pasensiya ka.
6. Nagpalit ng theme song ang John en Marsha to the tune of Michael Jackson’s “Don’t Stop Till You Get Enough.” Nagkaroon na sila ng aircon sa barong-barong na bahay pero front cover lang pala.
7. Baduy na baduy ka sa opening ng TODAS (Television’s Outrageously Delightful All-star Show) on Channel 13 with Val Sotto, Spanky Rigor,and Freida Fonda.
8. Si Bibeth, Mang Tem-I, Miss Tapia, Mary at si Tonette Macho ang kasama ni TVJ sa Iskul Bukol. Kumpleto pa ang ngipin ni Richie D’ Horsie.
9. Nakikipag-debate kung sino ang mas magaling… si Officer John Baker or si Officer Frank Puncherelo sa CHIPS.
10. Inaabangan mo kung anong gagawin ng A-Team para makatakas at makabawi sa kalaban nila - ano ba ‘yan, wala namang namamatay na kalaban kahit na anong pagbaril o pagsabog.
11. Bagong labas lang ang bakya na rubberized (Happy Feet brand) para malambot, hindi na kahoy.
12. Uso ang Espadrille na sapatos, Crayon shoes at Grosby rubbershoes. Bago pa lang labas ang top sider na sapatos - Sperry at Docksiders pa lang ang tatak na U.S., and Haruta Penny Loafers. Wayferer (orig o fake) ang shades mo - feeling Don Johnson, Remington Steel, Tom Cruise (Risky Business) o Madonna.
13. Ang Walkman mo o yuong nakikita mo ay halos kalahati ng laki ng AM radio. Marami kang nakikitang malalaking cassette/radio player - mga galing Saudi. Pinapatugtog mo ay mga tapes na pirata na may lyric sheet pero mali-mali naman ang lyrics.
14. Kapag 25c ang ibigay mo sa nangagaroling na mga bata eh hindi ka kakantahan ng “Thank you, thank you, ang babarat ninyo thank you.”
15. Cloverleaf and usong term at hindi flyover.
16. Singko lang ang 1 fishball. Wala pang squid ball o kikiam.
17. Magaling ka sa Math kasi mayroon kang ballpen na mataba at may built-in multiplication table na iniikot at yuong ballpen na napakaraming option sa kulay ng tinta, karamihan ay hindi makita o natuyo na ang tinta.
18. Texas bubble gum na kahit anong gawin mo ay hindi maaalis sa buhok mo kung mapadikit.
19. Gusto rootbeer, Sunta & Mirinda orange, RC cola, Yes cola and Sarsi with egg with Danny Vanni - masarap na, masustansiya pa.
20. Watching the Caronia nail polish advertisement sa TV with the 4 pa-sexy girls.
21. On Sundays, watching music videos on VH1 or Video Hit Parade (they used to be called “film clips” - wala pang MTV sa Pinas) before noon, then Spin-A-Win at lunch time (Jeanne Young - “Agree or disagree?”), Lovingly Yours (Helen Vela - Channel 7) or Happy Days & Electrawoman and Dyna Girl (Channel 9) in the early afternoon, and then Superstar (Nora Aunor and German Moreno - Channel 9) at dinner time, and capping it all off with Penthouse 7 and Marvelous Golden Movies (MGM).
22. Archie Lacson as dancing guru sa Discorama with Bobby Ledesma and Tito, Vic and Joey. Ngayon si Ralion Alonzo na sa Easy Dancing.
23. Lotlot. Lotlot and Monching. Lotlot and Friends. That’s Entertainment (not!). That’s Entertainment Saturday Edition.
24. Uncle Bob Lucky 7 Club show on Channel 7. Bakit ganon lang ang prizes niya.
25. Bob & Emmy Garon featuring the houses of the Marcoses - “that’s my wife… Emmy”.
26. You had a 2-Peso bill (color blue) in your wallet. Puro ganoon pa ang binibigay ng lolo/lola tuwing Christmas.
27. Ang piso na dirty ice cream ay yuong matamis na apa na ang ginagamit at marami pang scoops, minsan ay may chocolate dip pa. Bring your own baso sa ice skrambol pero hindi pa uso ang powdered milk at chocolate syrup.
28. Ang standard greeting ay “give me five” na nag-evolve into “appear”.
29. Biggest name in ice cream ay Magnolia kaya inaabangan mo ang susunod na Flavor of the Month. Kung gusto mong mas bongga eh di Magnolia Gold Label, yung “Double Dutch” chocolate flavor ang pinakamasarap. Papel lang ang mga balot ng frozen delights - hindi pa foil except yuong vanilla ice cream wafer sandwich nila. May Sundae sila na tinatanggal ang top cover at nilalagay sa ilalim para maging base. Kapag nag-a-attend ka ng B-day party ng bata imbes na regular B-day cake eh Magnolia Ice Cream cake ang mayroon (carousel or yuong puro flowers). Pero masarap din ang sweet corn flavor ng Selecta.
30. Ang Christmas package na inuuwi ng magulang mo ay may kasamang malaking keso de bola at hilaw na chinese ham (buong leg na nakabalot ng craft paper at plastic na net na kulay pula).
31. JD (red and black), MCL (Blue and Yellow), DM (white and blue) bus lines, Love Bus (the only aircon public bus). Pati na rin yuong bus sa Quiapo na walang pinto pero open yuong isang side - dito daw natutong mag-stuntman si Lito Lapid.
32. Pumupunta ka sa music store para tumingin ng LPs, 45, at Jingle magazine o Songhits. Pwede mo lang pakinggan ang plaka kung bibilhin mo na talaga. Hindi pa uso ang e-mail kaya all your dirty jokes came from the “Grin Page” in the back of Jingle magazine.
33. Ang bakla lang sa showbiz ay si Georgie Quizon (utol ni Dolphy) and Sandy Garcia (mestisohin na may bigote, kulot ang buhok, at balbunin).
34. Nagkakabuhol-buhol ang cord ng remote control ng Betamax niyo dahil buong araw ka nanonood. Break mo lang ay para kumain, mag-CR at para lumamig uli ang Betamax unit. Madali pang dumumi ang head kasi hindi pa uso ang rewinder. Kung mayroon na kayo eh one way lang siya - rewinding lang wala pang option na forward.
35. Pinakamabentang poster ay kay Shaun Cassidy, Leif Garrett, Bruce Lee, Scott Baio, Farrah Fawcett, Phoebe Cates, and Bo Derek (kuha sa movie na “10″). Kung sosyal ka, showbiz magazine mo ay Tiger Beat. Kung baduy ka eh Jingle Extra Hot.
36. Pinapanood mo at pinakikinggan ang Menudo with Robbie Rosa as the most sikat of all members. Nakyu-kyutan pa lang kayo kay Ricky Martin kasi siya ang pinakamaliit.
37. Nilalagnat ka at Royco chicken noodle alphabet soup ang kinakain mo - haluan mo pa ang dinurog na Skyflakes.
38. Hearing Bert Tawa Marcelo’s laugh - bawa’t tawa was P50 daw ang talent fee niya.
39. Shutting off your TV and watching that white spot in the middle of the screen slowly disappear.
40. Pagandahan ng metal lunchboxes (various cartoon or movie themes) with matching Aladdin or Thermos brand na termos na madaling mabasagang loob.
41. Sumasakay ka sa jeepney na puro kabayo ang hood, tadtad ng mahahabang antenna, at halos natakpan na ang windshield ng 8-track na tapes.
42. Watching and listening to the We Are The World version of the Phil. National Anthem.
43. Watching movies at Cinerama sa kanto ng Recto and Quezon Blvd. (Isetan na ngayon), Delta and Circle theater sa Timog Ave and Quezon Ave, Rizal Theater sa Makati (Shangri-La Hotel na ngayon), Magallanes Theater - (ginibana).
44. Drinking Mango Brutus nang madalian sabay sakit ang ulo dahil sa sobrang lamig - brain freeze.
45. Buying Cattleya notebooks, Funny Friends scented ballpens, and other school supplies at Alemar’s and Gibson’s bookstores. Ang pad paper nabibilina 1/2 lengthwise, 1/2 crosswise and 1/4 sizes para sa mga quiz.
46. Lahat ng PBA at Holiday on Ice ay ginaganap sa Araneta Coliseum.Hindi pa uso ang “ending”.
7. Lahat ng waiters sa Shakey’s Pizza Parlor ay may suot sa Styrofoam na sumbrero (yellow with red strip of paper with Shakeys printed on it). May mini version pa sila para sa dulo ng antenna ng radyo o TV. Panonoorin mo pa kung paano ginagawa ang pizza sa viewing window nila.
48. Be sure to be home by 12 midnight dahil may curfew kasi Martial Law.
49. Sa Quiapo at Binondo pa pupunta para makabili ng talagang masarap na hopia. Tapos shopping ka na sa Good Earth Emporium at Sta. Cruz (Uniwide nangayon) and be amazed by their candy selection on trays in a conveyor-belt type of machine.
50. Maalikaya when it first opened. When it was first raided and closed. When it was re-opened. When it was re-raided and closed. When it was opened again. When it was raided and closed again. When they opened it again. When they raided and closed it again. When they…
0 comments:
Post a Comment